Celebrity Life

WATCH: Joyce Ching, ikinuwento kung paano nag-propose si Kevin Alimon

By Aaron Brennt Eusebio

Ibinahagi ni Kapuso actress Joyce Ching kung paano nag-propose ang kaniyang longtime boyfriend na si Kevin Alimon.

Joyce Ching

LOOK: Joyce Ching is engaged!

Ayon kay Joyce, nangyari ang proposal sa paborito nilang escape game, kung saan hahanapin ng naglalaro ang clues na nakakalat sa isang escape room para makalabas.

EXCLUSIVE: Joyce Ching talks about her non-showbiz fiancé

Kuwento ni Joyce, "Malapit na kami matapos, bigla siyang, 'Ito may clue, may clue.'

“So binasa niya, tapos bigla siyang nagsabi na 'Dati pa kita…'"

"Tapos ako, 'Huh? Tagalog? Bakit may tagalog na clue?' So hinablot ko yung paper tapos yun na, nakita ko na yung letter niya.

"Nalito din kasi talaga ako, akala ko naman nape-pressure lang siya doon sa game."

Inamin din niya na balak nilang magpakasal sa labas ng Maynila at magaganap ito sa loob ng isang taon.

Alamin ang buong detalye ng report na 'yan sa video na ito:

;

Mapapanood si Joyce sa Dragon Lady kung saan makakasama niya sina Janine Gutierrez, Tom Rodriguez, Diana Zubiri, James Blanco at marami pang iba.

EXCLUSIVE: Joyce Ching, handa na sa mature na role?

Abangan ang world premiere ng Dragon Lady sa Lunes, March 4 sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.