Celebrity Life

LOOK: Juancho Trivino, seen-zoned noon ni Joyce Pring?

By Felix Ilaya

Tuloy pa rin ang pagpapakilig nina Juancho Trivino at Joyce Pring sa social media!

Juancho Trivino & Joyce Pring

Sa pinakabagong Instagram upload ng Kapuso actor, binati niya ng happy birthday si Joyce na nagdiwang ng kaniyang 26th birthday noong May 4. Makikita sa post ni Juancho kung paano nagsimula ang relasyon nila ni Joyce. Ikinuwento pa nga niya na palagi niyang kinakausap si Joyce sa social media kahit madalas na ma-seen-zone ang messages niya.

"These are a couple of pictures which show where and how it all began. Yes, I used to DM her before, you know just this regular guy trying to talk to your crush. Pero pagkatapos ng mahabang panahon, nakasama ko siya sa trabaho, where I played it cool, and kunyari hindi ako patay na patay sa kanya. We got to know each other more. And well, lalo akong nahumaling sa kanya. That's how it started," ani Juancho.

Nag-react naman ang mga kapwa Kapuso artists ni Juancho sa kaniyang post at biniro pa nga ni Kris Bernal ang dating "status" nina Juancho at Joyce.