Celebrity Life

Lovi Poe, masaya sa love life kahit LDR

By Bianca Geli

Bukod sa pahinga at bagong learnings, sa Amerika rin natagpuan ni Lovi Poe ang kaniyang bagong inspirasyon. At ngayong back to work na si Lovi, paano na kaya ang kaniyang relationship status?

Lovi Poe

Balik trabaho na si Lovi Poe matapos ang anim na buwang pananatili sa Amerika. Sa susunod na linggo, magpe-perform at may meet and greet si Lovi sa mga Kapuso sa Canada hatid ng GMA Pinoy TV. Makikisaya rin siya sa Fiesta Filipino 2019 sa Calgary at sa Food Trip 2019 sa Winnipeg.

Kuwento ni Lovi sa 24 Oras, “On August 30 to September 1 nasa Calgary Olympic Plaza po ako. I'll be performing on the 31st so magkita kita po tayo dun. And sa Food Trip 2019 nasa Tyndall Park Community Centre po ako on September 1.”

Magiging busy rin daw sa dalawang pelikula si Lovi.

Aniya, “I'm currently shooting The Annulment with Joem Bascon and may movie po with Viva with Marco Gumabao and Tony Labrusca, it's called In Between Goodbyes, it's a story about letting go.”

Ibinahagi rin ni Lovi kung bakit siya nagbakasyon nang anim na buwan sa Amerika.

“I just took a break from work. Nagpapasalamat po ako siyempre sa GMA for giving me the opportunity to replenish my soul as an artist and as a person and study my craft as well,” saad ni Lovi.

Natuto raw maging independent si Lovi at di na rin niya itinagong may nabuong bagong pag-ibig.

Nang tanuning ng 24 Oras kung nagkaroon siya ng love life habang nasa Amerika, ang pabirong sagot ni Lovi,

“Siyempre, yeah, happy naman ako in that aspect.”

Ngunit ngayong balik trabaho na siya, long distance relationship na ba muna ang status ng love life ni Lovi?

Sagot niya, “Let's see how it goes, I'm just very happy where I am now.”

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa Chika Minute: