Celebrity Life

Jak Roberto and Barbie Forteza share how they deal with jealousy in latest vlog

By Bianca Geli

Bago inilunsad ang enhanced community quarantine dahil sa COVID-19
gumawa ng mukbang o "eating broadcast" ang Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Isinabay na rin ng dalawa sa kanilang mukbang vlog ang isang Q & A session.

Habang kumakain ng spicy Korean ramen with poached eggs at rice cakes ang dalawa, namili sina Jak at Barbie ng mga sasaguting katanungan mula sa kanilang fans.

"Totoo bang kahit may girlfriend na, naa-attract pa rin kayo sa ibang girls?" tanong ng isang fan.

Sagot naman ni Jak, "Ang nangyayari na lang kapag mayroon tayong ina-admire na tao. Kung nakita mo naman na 'yung girl na gusto mo at wala ka nang hinahanap na iba, ba't ka pa titingin, 'di ba?"

Aniya, "Hindi naman umaabot sa nag-aaway o hindi na nagpapansinan o hindi na nagusap dahil nagselos kunwari.

"Kung may trust ka sa partner mo, gagawin niyo na lang katatawanan. Wala pa namang malalang selosan."

WATCH: Sino sa Kapuso leading men ang jojowain ni Barbie Forteza?

Kuwento naman ni Barbie, bibihira lang daw siya magselos. "Ako naman, nung kinukunan namin 'yung Totropahin o Jojowain challenge, hindi ako as vocal as Jak pagdating sa pagseselos, basta binibigyan ko na lang siya ng silent treatment. Ako 'yung klase ng babae na minsan lang magselos."

"Hindi ako 'yung matalak na girlfriend." dagdag ni Barbie.

Kuwento nito, may tiwala na siya kay Jak at ganun din ito sa kaniya.

Ani Barbie, "In all fairness, alam ko 'yung code ng phone niya. Pero hindi ko naman laging chini-check."

WATCH: Barbie Forteza, nagselos ba sa "Jojowain o Totropahin" challenge nila ni Jak Roberto?

Kahit ganap na foodie ang dalawa, priority pa rin nila ang fitness. Workout ang hilig ni Jak, habang healthy diet naman ang paraan ni Barbie.

Ani ni Jak, "Sa ngayon dahil summer na, napapadalas na ulit workout ko. Pero nung mga nakaraan nung mga January, wala."

"So far, ngayong March, naka-four weeks na akong regular na mag-gym. Mga at least twice or thrice a week," saad nito.

Ang secret naman ni Barbie sa pagiging slim? "Intermittent fasting," sagot nito.

"Pero kapag weekends, nag-chi-cheat [days] ako," dagdag ni Barbie.

Dahil mahilig sa maalat si Barbie, umiinom din daw siya ng lemon water at tubig na may Apple Cider Vinegar para hindi maging bloated.

"Effective din po ang lemon water, lalo na sa mga katulad ko na mabilis nabu-bloat," saad ni Barbie.

Abangan ang JakBie sa GMA Network ngayong nagbabalik primetime television ang kanilang well-loved drama na Meant to Be.

Panoorin muli ang Meant to Be tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:30 ng gabi sa GMA Telebabad.

Watch: