Celebrity Life

Ellen Adarna gives opinion on toxic relationship, cheating partner

By Aedrianne Acar

Usap-usapan ngayon online ang mga love at relationship advice na ibinigay ng sexy actress na si Ellen Adarna sa kanyang Instagram Story.

Ang ilan sa mga ito ay nagawang i-record ng mga tao at ngayon ay viral sa Twitter, ngayong Sabado May 2.

Ellen Adarna responds to netizen asking if her bikini photos are edited

Isa sa pinag-usapan ni Ellen sa Instagram Story ay kung ano masasabi niya sa isang toxic relationship. Diretsahan sagot niya dito at sinabing, “If you really love yourself, you shouldn't be in it.”


Malaman din ang sagot ng celebrity mom sa tanong na "why do people cheat?"

Aniya, "Hindi sila kuntento. Dili na nimo problema that's their problem. You just have to deal with the pain and go through it with composure."


Heto naman ang opinyon ni Ellen Adarna kung paano mapapanatili ng isang babae ang pagiging "strong" at "independent" sa kabila ng heartbreaks.

"Heartbreaks are just temporary. If you work hard to be a strong ang independent woman, it's gonna be forever."


Inamin kamakailan ng sexy celebrity na may co-parenting arrangement sila ng dating boyfriend niyang si John Lloyd Cruz para sa anak nilang si Elias Modesto.

Ellen Adarna speaks up about co-parenting with John Lloyd Cruz