Showbiz News

Ellen Adarna, nilinaw ang pangalan ni John Lloyd Cruz sa isyu ng panloloko

By Aedrianne Acar

Isa sa hot topic ngayon sa viral Instagram Stories ng sexy actress na si Ellen Adarna ang past experience niya sa cheating.

Patok sa mga netizen ngayon ang mga advice ni Ellen patungkol sa love at relationship na naging trending topic pa sa Twitter Philippines.

Ellen Adarna gives opinion on toxic relationship, cheating partner


Umamin pa ang former Bubble Gang star na mayrun nang lalaking nag-cheat sa kanya noon.

Base sa translation ng Cebu Daily News sa sagot ni Ellen, nalaman niya ang panloloko ng lalaki habang naka-bakasyon ito.

"“Yes dai, nag bakasyon siya, unya nasakpan nako. So, pag uli niya sa among balay that time, wala na akong mga gamit. Wala ko mangaway niya. Wala koy pangutana. I just left. Gwapa ko!”

(Yes, he was on vacation when I discovered. So, when he came back home at that time, my things were no longer there. I did not fight with him. I did not ask a single question. I just left. I'm beautiful!)

Tila nadamay naman ang ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz sa isyu ng cheating, kaya naglabas ng statement aktres para linawin ang isyu.

Aniya, "Just to clear everything... NOPE. Dili cya [hindi siya]."

Pakiusap pa ni Ellen, "Leave him alone kay dili dyd cya."

May anak ang dating celebrity couple, si Elias Modesto, na magdiriwang ng 2nd birthday sa July 2020.