Celebrity Life

WATCH: Lovely Abella may sikretong ibinunyag tungkol sa ex-boyfriend

By Aedrianne Acar

Jaw-dropping ang ilang revelations ng ating mga Bubble Gang babe sa ginanap nilang tell-all live chat session na 'Ladies Room' sa Kapuso comedy channel na YouLol last Monday, May 11.

Sa naturang live chat ibinahagi nina Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Lovely "Ga" Abella, Kim Domingo, Faye Lorenzo at Arra San Agustin ang kani-kanilang opinyon at experiences tungkol sa pakikipag-date.

Isa sa may shocking revelations ng dancer-turned-comedienne na si Lovely Abella ay nang mahuli niya ang dating karelasyon na may ka-text na ibang babae.

Hindi na pinangalanan ni Lovely ang ex-jowa niya, pero ikinuwento nito ang nangyari nang madiskubre niya na may ibang "babe" ito.

"Nagdi-date kami noon, nahulihan ko siya na may nag-text sa kanyang babae.

"Alam mo ginawa Ga, magpapakamatay sa harapan ko!

"Nage-gets mo 'yun parang 'pag nahuli mo may babae 'tapos tawag sa kanya 'babe,'

"So siyempre bilang ikaw [babae] parang [sino yan?]. Pero that time kami na rin talaga. Sino 'tong babe?"

Pagpapatuloy ni Lovely na natakot siya nang bigla daw ito nagbanta na magpapakamtay habang sila ay nag-uusap sa "mystery" textmate niya.

"Binato 'yung cellphone, 'tapos magpapakamatay, 'yung kumot tinali sa leeg. Alam mo 'yun parang na-shock ako. Nakaka-shock 'yung mga ganun, ang bigat!"

Dagdag ng Kapuso comedienne, "Feeling ko may mga nangyayaring ganyan 'yung mga suicidal 'yung mga jowa. 'Tapos hindi ako makawala."

Sundot na tanong naman ni Chariz Solomon, "Matagal ka nakaalis?"

Sinagot naman ito ni Lovely at sinabing, "Kasi Ga, nalaman ko I'm pregnant. So ang hirap na,"

(NOTE: The Department of Health and the World Health Organization (WHO) launched Hopeline in 2016 a 24/7 suicide prevention hotline. You can reach them at (02) 804-4673; 0917-5584673; and 2919 for Globe and TM subscribers.)

Ngayon, happy at going strong ang relationship ni Lovely Abella sa piling ng aktor na si Benj Manalo. Ipinagdiwang nila ang kanilang 5th anniversary last January 2020 at na-engaged naman sila noong June 2019.

Celebrity couple Lovely Abella and Benj Manalo mark 5th anniversary

Muling balikan ang revelation na ito ni Lovely Abella sa 'Ladies Room' video below.


--