TV

Anu-ano ang mga biggest turn on and turn off ng 'Bubble Gang' babes sa mga lalaki?

By Aedrianne Acar

Napanood n'yo ba ang sexy and tell-all live chat ng mga paborito ninyong Bubble Gang girls sa comedy channel na YouLol?

Valeen Montenegro stresses importance of eating right to achieve fitness goals

Mainit na pinag-usapan nina Arra San Agustin, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Lovely "Ga" Abella, Faye Lorenzo at Kim Domingo sa "Ladies Room" ang maraming bagay tungkol sa dating.

Nagbahagi rin sila ng kanilang opinyon tungkol sa mga biggest turn on and turn off nila sa mga lalaki.

Para sa Kapuso actress/host na si Arra San Agustin, nakaka-attract sa kanya 'yung guy na unang gagawa ng moves.

Paliwanag niya, "Ako, gusto ko sa lalaki sila 'yung mag-aaproach kaagad.. May mga lalaki kasi parang nakaka-intimidate, e, di ba, sila dapat 'yung [nag-a-aproach].

"I mean, ako, vina-value ko pa rin na sila 'yung dapat nauuna mag-approach."

Big "NO" naman sa Kapuso beauty ang katangian na ito ng isang lalaki.

Alamin ang sagot niya sa YouLol video below.


Also don't forget to like and subscribe to YouLol channel! Huwag pahuhuli sa nakaka-good vibes na content na handog ng Kapauso comedy channel na may mahigit sa 25, 000 subscribers na!

Kim Domingo at Faye Lorenzo, may pagkakapareho sa katangiang hinahanap sa lalaki

WATCH: Lovely Abella may sikretong ibinunyag tungkol sa ex-boyfriend