Celebrity Life

Ano'ng ikinagagalit ni Lara Quigaman kay Marco Alcaraz?

By Felix Ilaya

Isang Q&A video ang ibinahagi nina Lara Quigaman at Marco Alcaraz sa kanilang YouTube channel ngayong araw, May 21.

Sa video, sinagot nila ang iba't ibang common questions ng fans tungkol sa kanilang relasyon bilang mag-asawa at paano nila nababalanse ang career at family life.

Isa sa mga tanong ng netizens sa dalawa ay kung ano ang most irritating habit ng isa't isa.

Pabirong sagot ni Marco, “Wala kasi akong maisip. Lahat gusto ko kay Lara.

“We know naman na 'di lahat perfect 'di ba? Kaya si Lara, 'di ko siya binabago. You have to learn to love kung ano man ang 'di mo gusto sa kanya.”

Ngunit para kay Lara, “Dapat you have to change for the better.

“Ako, naiinis ako kapag hindi marunong si Marco magpatay ng ilaw, magsara ng drawer, maglagay ng mga medyas at brip sa hamper. Isyu-shoot na nga lang sa hamper 'di pa mailagay.

“So minsan, nagagalit talaga ako, minsan din pinupulot ko na lang. 'Yun yung mga nakakainis, which is normal naman but we don't let it get into a big fight.”

Paliwanag pa niya, “Honestly, maraming times na nagagalit talaga ako.

“Lalo na ngayon na nabuntis ako, parang mas grabe 'yung emotions ko, 'yung mood swings ko. Minsan nasisigawan ko sina Marco and 'yung mga bata.

“I feel guilty afterward kasi alam ko naman na marami 'yung reaction ko. The good thing with Marco is, 'pag alam niyang mainit na ulo ko, hindi niya ako sasabayan.”

Kuwento ni Marco, madalas niyang pinagsasabihan ang kanilang panganay na anak na si Noah na mas habaan pa ang pasensya sa kanilang ina dahil nagdadalang tao ito.

“Sinasabi ko sa kids, lalo na kay Noah na their mom is carrying a baby. Hindi madaling magdala ng baby kaya dapat silang makinig kay mommy.”

Ikinasal sina Lara at Marco nang dalawang beses--- sa isang civil wedding nong 2010 at garden wedding noong 2012. Mayroon silang dalawang anak na sina Noah at Tobias.

Noong April 30, 2020, inanunsyo ni Lara na nagdadalantang tao siya sa pamamagitan ng kanilang unang vlog sa “The Alcaraz Family” channel.

Nakatakdang manganak si Lara sa Setyembre 2020.

LOOK: Marco Alcaraz lets wife Precious Lara Quigaman buy what she wants on her birthday

Lara Quigaman clarifies cryptic post, answers rumors about husband Marco Alcaraz