Celebrity Life

Jak Roberto, napikon kay Barbie Forteza?

By Bianca Geli

"Alam naman natin sa isang relasyon, kapag matagal na, natatanggap na natin ang isa't isa...'yung mga amoy."

'Yan ang bungad ni Jak Roberto sa kaniyang latest vlog kung saan gumawa siya ng isang prank sa girlfriend na si Barbie Forteza.

Ang prank: Magkunwaring may body odor.

Kuwento ni Jak, "Kumuha ako ng suka sa bahay tapos nilagay ko sa spray bottle ng alcohol tapos isi-spray ko sa katawan ko. Alam niyo naman ang amoy ko."

Dagdag ni Jak, "Sa mga madali mandiri, pasintabi lang po, ito po ay isang prank lamang.

"Tignan natin 'yung reaction ni Madam, kung tanggap niya ba ako kahit na amoy suka ako."

Isang workout vlog sana ang gagawin ng JakBie, pero isang prank pala taaga ang inihanda ni Jak.

Kaya bago pumasok ng bahay nina Barbie, nag-spray ng maraming suka sa katawan si Jak.

Habang nag-rerecord ng vlog intro ang dalawa, makikitang tila nangangasim na ang mukha ni Barbie kapag nalalapit sa boyfriend.

"Naligo ka naman bago ka pumunta dito?" Pasimpleng tanong ni Barbie.

Paliwanag naman ni Jak, "Mainit talaga kaya pinagpapawisan ako."

Hindi pa rin tumigil si Barbie na tila balisa na sa amoy ni Jak.

Aniya, "May pangpalit ka ba? Gusto mo magpalit ng damit? Pawis ka na 'eh. Magpalit ka kaya ng damit para fresh?"

Sagot naman ni Jak, "Okay lang 'yan, papawisan din naman ako."

Pinuna na rin katagalan ni Jak ang pagkabalisa ni Barbie, tanong nito, "Bakit ganyan ka?"

"May maasim" matipid na sagot ni Barbie.

"Anong maasim? Ako?" tanong ni Jak.

"Baka 'yung sofa 'yun...sobrang asim," paliwanag ni Barbie.

Dumipensa naman si Jak. "Naligo naman ako bago ako pumunta dito."

"Ikaw ba si sofa?" pabirong sagot ni Barbie.

Nagkunwari namang nagtatampo na si Jak para makonsensya ang girlfriend, aniya, "Wala naman ako naamoy. Bakit mo ako pinagpapalit?"

Dagdag pa ni Jak, "Umusod ka na baka nababahuan ka sa'kin..."

"Concerned lang naman. Nakaka-offend ba 'yun?" saad ni Barbie.

Kakayanin ba ni Barbie ang maasim na amoy ni Jak sa body odor prank na ito?

Panoorin:

Jak Roberto, napaiyak si Sanya Lopez matapos hindi pansinin dahil sa isang prank

Jak Roberto and Barbie Forteza create "Binibining Marikit" TikTok video