Celebrity Life

Julie Anne San Jose reacts to being called 'the patron saint of moving on'

By Aedrianne Acar

Natawa ang multi-awarded singer na si Julie Anne San Jose nang tanungin siya sa kanyang reaksyon sa netizens na tinatawag siyang 'patron saint of moving on.'

Sa exclusive video sa YouTube channel ng record label niya na Universal Records, ngiti ang sinukli ng Asia's Pop Diva nang marinig na role model siya sa mga nagmo-move on.

Sabi niya, “Sino ba nagsabi sa akin noon? (laughs)

“Basta, like sa Twitter yata nagsimula 'yan and then I saw some tweets about me na 'Oh patron saint of moving on' daw.

“Like ahh, medyo ahh talaga ba? [laughs]”

Matatandaan na kinumpirma ni Julie sa isang panayam noong January 2019 ang hiwalayan nila ng kapwa Kapuso na si Benjamin Alves. Tumagal din ang kanilang relasyon ng dalawang taon.

Ipinaliwanag ng singer-actress na madali siyang naka-move on dahil nag-focus siya sa ibang bagay tulad ng kanyang trabaho.

Sambit niya, “But you know kasi, iba-ibang paraan naman ang tao para maka-move on 'di ba? For me, what I did was madali kasi ako maka-move on. I don't know.

“Since mako-consider din 'yung medyo preoccupied din ako with other stuff, like busy din ako sa work, busy din ako sa iba ikong ginagawa.

“I keep myself productive at home and then I go out with friends, so nandoon 'yung support din from the people who support me and really love me.”

Binigyan diin ng 'I'll Be There' hitmaker na hindi daw puwede na mag-dwell ang isang tao sa negative feelings na dulot ng isang breakup.

“I realized also na you can't just be stuck in one place, you can't just be stuck in the dark. You have to get out of there because you can't get married to that feeling na 'Oh you're feeling bad for yourself.'

“May tendency kasi tayo 'di ba minsan, we blame ourselves because of a certain situation na parang 'Oh alam ko na may mali ako, kahit na blah-blah stuff like that, kahit siya 'yung may kasalanan or like kahit hindi ako 'yung may kasalanan, sinisisi ko 'yung sarili ko.' May ganun tayong attitude.”

Nakatulong din daw ang music na nagsilbing outlet ng kanyang emosyon.

“Music, 'yun 'yung naging outlet ko para mailabas ko din 'yung feelings ko, kung ano 'yung totoo kong nararamdaman at a certain point,” ani Julie.

Alamin kung ano pa ang sinabi ni Julie Anne tungkol sa kanyang past relationship sa video below.

Julie Anne San Jose's "Bahaghari" tops iTunes pre-order chart for 20 straight days

Julie Anne San Jose and Gloc-9's new collab, "Bahaghari," leads iTunes pre-order chart