Celebrity Life

WATCH: Megan Young pranks Mikael Daez

By Maine Aquino

"Fofo, I love you!"

Ito ang linya ni Megan Young kay Mikael Daez sa kanyang video sa bahay.

Kuwento ni Mikael, minsan lang siya i-prank ni Megan pero nagtagumpay ito sa kanyang nakakatawang video.

Saad ng Kapuso actor sa kanyang Instagram account, "Minsan lang ako naiisahan ni Madam Bonez sa mga video :p This is one of those rare moments."

Dagdag pa ni Mikael, pakiramdam umano niya ay hindi siya nag-iisa sa sitwasyon. Para kay Mikael, natural lamang na mas magre-react ang isang isang tao kapag sinabihang mabaho ito.

"Feeling ko maraming kagaya ko. Sino ang hindi titingin sa iloveyou pero mamamansin kung sinabihang mabaho?"

Sinamahan pa ito ni Mikael ng maraming hashtag: "#ManhidAtMabaho #BadComboYan #butiNaLangJokeLang #BakaKasiPinapanuodKoYunBukaBukaMemeNiBonez #BtwMasyadongPacuteSiSoba #SiSalemNagtatampoSaGilid #SobraNaSaHashtagGoodNight"

Mikael Daez and Megan Young share the power dynamic in their relationship

Mikael Daez teases sisters Megan and Lauren Young