
Aprub sa netizens kung sakaling magpakasal na si Kiray Celis at ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia.
Sa kanyang recent Instagram post, boong pagmamamalaing ipinakita ni Kiray ang kanyang gintong singsing.
Aniya, “And yes… kami po ay… may couple ring na totoong gold.”
Inakala ng iba na engaged na ang aktres sa kanyang nobyo at ninais na magpakasal na ang dalawa. At kahit hindi pa nagpo-propose si Stephan kay Kiray, masaya raw ang netizens dahil masaya ang love life nila.
Ipinakilala ni Kiray si Stephan sa publiko noong December 2019. Bago ang kanilang relasyon, nanggaling daw sa masalimuot ng break-up ang aktres. Na-link din siya sa modelong si Kirst Viray.
Kiray Celis on being in a relationship now: "Worth it lahat ng sakit"