
Pinaulanan ni Kiray Celis ng maraming regalo ang kanyang non-showbz boyfriend na si Stephan Estopia para sa kaarawan nito.
Makikita sa Instagram ni Kiray ang kanyang ginawang setup para sa birthday celebration ng kanyang nobyo. Ang kanyang kwarto, napuno ng maraming lobo, naglalakihang teddy bears, bulaklak, gadgets, accessories, sapatos, pabango, at mga inumin at pagkain na kanyang regalo para kay Stephan.
“REGALO PARA SA MGA LALAKING HINDI BABAERO,” diin ng Kapuso star.
Dugtong din ni Kiray, “Kulang lahat ng yan sa pagbibigay mo ng tapat na pagmamahal. Pag-iintindi at sa pagsuporta sa lahat. Araw araw lagi ko pinapasalamatan si Papa God na binigay ka niya sakin. Kasi wala nakong gustong makilala at makasama na iba. Kasi nahanap na kita.”
Sambit din ng aktres, hindi raw matutumabasan ng kahit ano mang salita o regalo ang pagmamahal na natatanggap niya mula kay Stephan.
Pasasalamat niya sa kanyang nobyo, “Thank you for loving me. Thank you for loving my family.. Kaya sa lahat ng babae diyan, hanapin mo yung lalaking hindi lang ikaw yung mahal. Pero mahal rin pati pamilya mo. Mahal yung buong pagkatao mo. Maganda man o panget na tungkol sayo. Yung tanggap ka ng buong buo. Kasi mahal ka niya ng totoong totoo.”
Pahayag din ni Kiray sa dulo ng kanyang post, “Happy birthday, pinaka mamahal ko!”
December 2019 nang isapubliko ni Kiray ang kanyang relasyon kay Stephan.
ALSO READ:
Netizens, aprub sa pagpapakasal ni Kiray Celis sa kanyang nobyo
IN PHOTOS: Ang mga lalaki sa buhay ni Kiray Celis