Celebrity Life

Kiray Celis receives sweet birthday surprise from boyfriend Stephan Estopia

By Aimee Anoc

Nakatanggap ng sorpresa si dating Owe My Love star Kiray Celis sa kanyang boyfriend na si Stephan Estopia para sa kanyang kaarawan.

Ibinahagi ni Kiray sa Instagram ang mga natanggap niyang regalo mula sa kanyang boyfriend tulad na lamang ng mga bulaklak, lobo, at Balenciaga na sapatos.

"Araw-araw Valentine's day kapag nasa tamang tao ka.

"Grabe naman 'yung surprise mo sa akin.

"Nakalimutan kong birthday ko nga pala! HAHAHAHAHA!

"Thank you so much, Stephan! I love you!!!" pagbabahagi ni Kiray.

Nakatanggap din ang aktres ng isa pang sorpresa mula sa kanyang boyfriend kung saan sa bawat cake ay may mga letrang nakasulat na "Mahal na mahal kita sobra pa sa sobra.

"Palagi mong tatandaan, walang tamang tao. Nasa tao na 'yun kung gugustuhin niya maging tama para sa 'yo," sabi ng aktres.

Dagdag pa niya, "At hindi rin naman nagpakabog 'yung jowa kong si Stephan sa mga cake ko kahapon.

"Grabe ka naman po magmahal, 'Mahal na mahal kita sobra pa sa sobra.'

"Eto 'yung mga salita na sinasabi niya sa 'kin tuwing naggo-good morning, naglalambing, at naggo-goodnight. Iba ka talaga!" dagdag pa ni Kiray.

Bago pa man ang kaarawan ng aktres sa July 29, nakatanggap na siya ng mahigit 100 cakes at iba't iba pang regalo mula sa kanyang mga tagahanga.

Samantala, kilalanin pa ang jowable boyfriend ni Kiray rito: