Celebrity Life

Camille Prats pens heartfelt birthday message for 'grade school crushie' VJ Yambao

By Aimee Anoc

Ibinahagi ni Mars Pa More host Camille Prats ang pagbati sa kaarawan ng kanyang "grade school crushie" na si VJ Yambao.

Sa Instagram, ipinarating ni Camille kung gaano siya kasuwerte sa asawa. Pinasalamatan niya rin si VJ sa kanyang "dad jokes" at sa pagiging isang mabuting asawa at ama.

"How do I know God loves me? It's through you. How you love me, how you treat me, how you talk to me, value my thoughts and opinions, always puts me first before yourself, play with kids, be a partner in everything we do... I could go on and on," pagbabahagi ni Camille.

Mahigit walong taon nang mag-asawa sina Camille at VJ at biniyayaan na rin sila ng tatlong anak na sina Nathaniel, Nala, at Nolan.

"You are truly God's gift to me and our children. Sa dad jokes mo pa lang na ubod ng corny, kilig na kilig na ako," kuwento ng aktres.

Dagdag pa nito, "Growing in faith with you has been the best things that has happened to our marriage."

Unang nagkakilala sina Camille at VJ noong Grade 2 kung saan naging magkaklase silang dalawa. Muli silang pinagtagpo makalipas ang 20 taon.

"Happy Birthday, grade school crushie. Ps. Dito na lang muna tayo mag-travel ha VJ Yambao. Flex ko na rin ang masels na pinaghirapan mo araw-araw," pagbati ni Camille.

Tingnan sa gallery na ito ang masayang pamilya nina Camille Prats at VJ Yambao: