Celebrity Life

Dominic Roque, nag-post ng sweet photos nila ni Bea Alonzo

By Aimee Anoc

Sweet na sweet sina Kapuso actress Bea Alonzo at Dominic Roque sa ibinahaging nilang photos sa Instagram.

Nitong Huwebes, nag-post si Dominic ng mga larawan nila ni Bea sa Instagram kung saan makikita silang magkatabing nakaupo sa isang park sa Napa City, California. Ang isa sa mga larawan naman ay makikitang nakatitig sila sa isa't isa.

"Lover," ang simpleng caption ni Dominic.

Nag-comment din ng "Hi!!!" si Bea sa post na ito ng kanyang rumored boyfriend.

Hindi naman nagpahuli ang netizens sa pagbati kina Dominic at Bea at ipinarating ang kanilang pagsuporta.

"Wala na, tapos na may nanalo na guys, uwian na grabe!!! Crush na crush ko 'to pero sobrang kinikilig ako sa kanila. Stay in love and stay happy for the both of you!" pagbati ni @itsmesweetjulie92.

"Nasasaktan ako!!! Pero super bet ko kayong dalawa. Grabe sobrang in love sa isa't isa!!!" pagsang-ayon ni @eyaberroya.

"Kalmahan n'yo naman! Baka maatake na ko sa puso. Sa inyo na lang ako kinikilig nowadays e! Stay happy and in love po!" biro ni @iamalizinwonderland.

Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon ng mahigit 436,000 likes at 16,600 comments ang post na ito ni Dominic.

Samantala, una nang nag-post si Bea sa Instagram ng mga larawan nila ni Dominic habang naglalakad sa Yosemite National Park kung saan may caption itong "Into the woods."

Balikan sa gallery na ito ang sweetest photos nina Dominic Roque at Bea Alonzo: