Celebrity Life

Stephan Estopia, walang balak ipabura ang ipina-tattoo na mga mata ni Kiray Celis

By Jimboy Napoles
Published October 7, 2021 1:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Kiray Celis and Stephen Estopia


Sa panayam ng 'Kapuso Mo, Jessica Soh'o sa magkasintahang Kiray Celis at Stephan Estopia, sinabi ni Stephan na plano niya pa itong dagdagan ng mga pangalan ng kanilang magiging anak.

Maraming netizens ang napa 'sana all' nang ipa-tattoo ni Stephan Estopia ang mga mata ng nobya niyang si Kiray Celis sa kanyang dibdib.

Sa kanilang panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho, inilahad ni Stephan ang mga katangian ni Kiray na talagang nagustuhan niya.

Kuwento niya, “'Yung mata niya at saka 'yung mga ngiti niya talaga. Doon ako na-in love sa kanya.

“Mapagmahal siya sa magulang, maalaga. Tapos mahal niya rin 'yung family ko," dagdag pa niya.

Ayon pa sa nobyo ng Kapuso actress, ginusto niya raw na ipa-tattoo ang mata ni Kiray sa kanyang dibdib at wala siyang plano na alisin ito.

"Hindi ko naman po siya papalitan o buburahin, ginusto ko naman 'to, katawan ko naman 'to kaya hindi ko na po ipapabago talaga,” paliwanag ni Stephan.

Sa katunayan, balak pa raw dagdagan ni Stephan ang kaniyang tattoo ng buong mukha ni Kiray at mga pangalan ng kanilang magiging anak.

“'Yung mukha niya bubuoin ko, sunod na 'yung mga pangalan ng anak namin.”

Samantala, may pabirong hirit naman ang aktres sa mga nagsasabi sa kanyang “ang haba ng hair ni Kiray.”

“Maganda po yung pagkakabili ko ng gayuma sa kabilang kanto,” kinikilig na sinabi ni Kiray.

Kapitbahay ni Kiray si Stephan na kaibigan din ng kanyang kuya. Dahil sa paglalaro ng Mobile Legends kaya mas naging close daw ang dalawa hanggang sa mapagpasiyahang ligawan na ni Stephan ang aktres. Ngayon, dalawang taon na silang in a relationship.

Silipin sa gallery na ito ang “road to forever” na relationship nina Kiray Celis at ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia: