
Naghatid ng kilig ang Valentine vlog ng Kapuso actress na si Bea Alonzo at kasama niya rito ang kanyang boyfriend na si Dominic Roque. Ibinahagi nila kung paano nagsimula ang kanilang love story.
Mapapanood sa vlog ang pagsagot ng celebrity couple sa mga random question na inihanda para sa kanila. Isa sa mga tanong na nakuha ni Dominic o Dom ay "When was our first kiss?" na agad sinagot ni Bea, "Sa bahay. Gusto mo i-share?," nakangiting sinabi ng aktres.
"Kiniss ako nito," confident na sinabi ni Dom.
Masaya namang ikinuwento ni Bea ang totoong nangyari sa kanilang first kiss.
Aniya, "Ganito kasi 'yung nangyari, oo kiniss ko siya. Inumaga kami, hinatid niya ako sa bahay and ang sakit ng paa ko noon kasi nagsuot ako ng heels buong araw tapos kinuha niya 'yung paa ako at minasahe niya."
"As in ang sakit talaga ng paa ko tapos minasahe niya," pagdidiin pa ng aktres.
Aminado naman si Bea na siya ang unang humalik sa kanyang boyfriend na si Dominic.
Kuwento niya, "Basta parang nakatayo na kami noon and tapos kiniss ko siya. Tapos nu'ng una pa ganito 'yung kiss niya [parang nag-aalangan].
"[Naisip ko] parang nagkamali ata ako, bakit ko siya kiniss ganyan. Tapos nag-pull back ako, tapos kiniss niya na ako ng totoong kiss kasi parang natawa ako."
"Oo, ako 'yung unang nag-kiss sa'yo. Happy?," dagdag pa niya.
"Bakit wala naman akong sinasabing hindi e," kinikilig na sinabi ng aktor.
Panoorin ang nakakakilig na Valentine vlog ni Bea kasama si Dominic, DITO:
Taong 2016 nang magkakilala sina Bea at Dominic sa isang event kasama ang komedyante na si Vice Ganda. Inamin din ni Dominic na matagal na siyang may paghanga sa aktres at siya ang gumawa ng paraan upang mas lalo silang magkalapit.
Kinumpirma naman ni Bea ang relasyon nila ni Dominic sa isang panayam sa 24 Oras kasama si Nelson Canlas, Agosto ng nakaraang taon.
Idinaos ng celebrity couple ang kanilang first anniversary, January 28, 2022.
Samantala, silipin naman ang ilang sweet photos nina Bea at Dominic sa gallery na ito: