
Sa pagtatapos ng kanilang eight-day vacation sa Thailand, isang sweet na post ang inilaan ni Lovely Abella para sa asawa na si Benj Manalo.
Sa Instagram, naglaan ng oras si Lovely para pasalamatan ang asawa sa masaya at hindi malilimutang bakasyon nila sa Thailand. Ikinuwento rin ng Bubble Gang actress ang mga pagbabago kay Benj sa mahigit pitong taong pagsasama nila.
"Sabi kasi nila mas makikilala mo raw ang partner mo/bf mo or asawa mo 'pag nasa ibang bansa kayo. Heto ang magpapatunay na binago ni Lord ang asawa ko simula nang lumakas ang faith niya," aniya.
Dagdag ni Lovely, "'Di na mainitin ang ulo niya. 'Di niya na sinasabayan ang bwisit ko. Halos siya lahat kumikilos, wala akong narinig na reklamo sa kabila ng katamaran ko. As in napakasaya ng travel namin na 'to."
Ayon kay Lovely, sa walong araw na bakasyon sa Thailand, nakita na niya ang "lahat na yata ng magandang" katangian ni Benj. Aniya, "Vlogger, tagabitbit, taga-picture, boss na may puso at malasakit, taga-bukas ng pinto ko, taga-hintay 'pag nagsa-shopping kami.
"Babe [Benj] ang saya ko. Ang saya ng puso ko na ikaw ang nakasama at makakasama ko pa sa lahat ng travel na 'to. Thank you Lord safe po kaming lahat. Walang mabigat na aberya."
Ikinasal sina Lovely at Benj noong January 23, 2021 sa Quezon City.
Samantala, tingnan ang sweetest photos nina Lovely Abella at Benj Manalo sa gallery na ito: