GMA Logo Lovely Abella and Benj Manalo
Photo by: benj (IG)
Celebrity Life

Benj Manalo marks first wedding anniversary with Lovely Abella

By Aimee Anoc
Published January 23, 2022 3:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO, sinuspinde ang mga driver’s license ng 3 motoristang nagkarera umano at naaksidente sa QC
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz

Article Inside Page


Showbiz News

Lovely Abella and Benj Manalo


"Ang bilis pala talaga ng isang taon kapag in love ka sa taong mahal mo." - Benj Manalo

Ipinagdiriwang ngayong nina Lovely Abella at Benj Manalo ang kanilang unang anibersaryo bilang mag-asawa.

Ayon kay Benj, katulad pa rin nang dati ang kilig na nararamdaman niya para kay Lovely.

"Same feels at nadagdagan pa sobra after one year! Happy 1st wedding anniversary my love. Ang bilis pala talaga ng isang taon kapag in love ka sa taong mahal mo. Alam ko marami pa tayong mapagdaraanan pero I'm excited kasi alam ko na kasama kita all the way sa lahat ng darating sa buhay natin," sulat ni Benj.

A post shared by Benj Manalo (@benj)

Pinasalamatan din ni Benj si Lovely sa pagiging maunawain, mapagmahal, at mabuting asawa nito.

"Sa one year natin dami nagbago, sabi nga nila iba talaga kapag binasbasan na kayo ni Lord, ang relationship niyo, or should I say, marriage natin. Nakakakilig pa rin mahal! Sobra, never nabawasan 'yung kilig, pagmamahal and all ko sa 'yo, nadagdagan pa," pagbabahagi niya.

Dagdag ni Benj, "First year man ng wedding natin pero seven years na tayo magkasama. Grabe, I'm so thankful and lucky to have you in my life. Forever tayo mahal ha? Let's keep inspiring each other, learn from each other, know God together and live life forever. I love you so much asawa ko, Lovely Abella. Cheers to and more love for us. Excited for our journey together baby gurl! Love you."

Ikinasal sina Lovely at Benj noong January 23, 2021 sa Quezon City. Sa pamamagitan ng pagtitiyaga sa pag-o-online selling na sinimulan noong 2020, naipatayo ng mag-asawa ang kanilang dream house at nakapagsimula ng iba pang mga negosyo.

Samantala tingnan ang garden-themed wedding nina Lovely Abella at Benj Manalo sa gallery na ito: