Celebrity Life

Paul Salas posts date night photo with Mikee Quintos

By Maine Aquino

Hindi na mapigilan ang pagpo-post ng sweet messages and photos sina Paul Salas at Mikee Quintos.

Pagkatapos mag-post ni Mikee ng sweet photo at message para kay Paul, sinundan naman ito ng aktor ng nakakakilig na post para kay Mikee. Ang post ni Mikee ay kuha mula sa isang resort sa Nueva Ecija.

Photo source: mikee

Sa Instagram account ni Paul ay makikita ang ilang sweet photos nila ng Apoy sa Langit actress sa isang restaurant. Nakasulat naman sa caption nito ang lyrics ng kantang "Na-akit" ng Henyong Makata."

"Para kang anghel na umaawit sa langit aabutin kita kahit maraming balakid kasi mahalaga ika'y mapasa'kin"

Sa pag-guest ni Paul sa Mars Pa More ay inamin niyang nasa dating stage sila ni Mikee.

Saad ng aktor "hindi kami nagmamadali pero dating kami. Dating."

Samantala, balikan ang kilig moments nina Paul at Mikee sa gallery na ito.