TV

Paul Salas and Mikee Quintos are dating!

By Dianne Mariano

Isang rebelasyon ang hatid ni Kapuso actor Paul Salas sa Mars Pa More nang kumpirmahin nito ang estado ng kanilang relasyon ni Apoy sa Langit star Mikee Quintos.

Isa sa mga itinanong sa aktor sa segment na “Pasabog Na Chika” ay kung mayroon daw “something” sa kanila ni Mikee.

“Meron,” sagot ni Paul.

Paliwanag naman niya, “Meron. Ano kami... 'Di kami nagmamadali pero dating kami. Dito ko lang sinabi 'yan sa Mars [Pa More].”

Sa naturang episode, ikinuwento rin ni Paul ang kanyang emotional reunion kasama ang kapwa nitong child star na si Miguel Tanfelix.

Aniya, “Nasa taping kami ng isang drama episode, MPK [Magpakailanman] po, then first time namin magka-work since noong nag-audition kami noong maliit pa kami. Then, nag-aaral kami ng script sa tent tapos after no'n medyo may awkward silence tapos sabi ko, 'Grabe no, ang dami nating pinagdaanan tapos ngayon lang tayo nagka-work tapos ganito na tayo, medyo matanda na tayo, medyo pa-mature na tayo.'”

“Tapos sabi niya, 'Oo nga no pero masaya ako na nagka-work tayo na nandito ka so sana magka-work pa tayo sa any regular na show and teleserye,'” dagdag pa niya.

Panoorin ang buong “Pasabog na Chika” segment sa Mars Pa More video sa itaas o dito.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.

Samantala, silipin ang transformation ni Paul Salas sa gallery na ito.