Celebrity Life

Mikee Quintos and Paul Salas spill on who said 'I love you' first

By EJ Chua

Kakabit ng trending video ni Paul Salas at ng kaniyang girlfriend na si Mikee Quintos ay ang usap-usapan ng netizens tungkol sa mga inamin nila. Ito ay sa pamamagitan ng isang challenge sa video-sharing application na TikTok.

Game na game kasing ibinunyag ng newest real-life Kapuso couple na sina Mikee at Paul ang ilang detalye tungkol sa kanilang relasyon.

Sa pamamagitan ng pagturo sa isa't isa ay nalaman ng netizens ang kanilang mga kasagutan.

Una nilang sinagot ang tanong na, 'Who apologizes first after a fight?'

Kasunod nito ay ilan pang katanungan tungkol sa ugali at katangian nilang dalawa.

Isa rin sa sinagot nila mula sa naturang TikTok challenge ay kung sino sa kanilang dalawa ang unang umanin tungkol sa nararamdaman.

Nang marinig ng dalawa ang tanong na 'Who said I love you first?' ay tila napatigil sila at bigla na lang itinuro ni Paul si Mikee kasabay ng pagturo ng aktres sa kaniyang sarili.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 1.5 million views ang kanilang video at patuloy silang nakakatanggap ng positive comments mula sa kani-kanilang fans at followers.

Nito lamang buwan ng Mayo, kinumpirma ni Paul na siya ay in a relationship sa Apoy sa Langit actress na si Mikee.

Panoorin ang trending TikTok video nina Mikee Quintos at Paul Salas dito:

@mqquintos Try lang 😅😂 chos @paulsalass ♬ original sound - Mikee Quintos

Samantala, tingnan ang amazing transformation ni Paul Salas mula sa pagiging child star na ngayon ay isa na sa Kapuso hotties sa gallery na ito.