Celebrity Life

Lexi Gonzales reveals who made the first move between her and Gil Cuerva

By Dianne Mariano

Isang nakakaintrigang tanong ang hinarap ni Kapuso actress Lexi Gonzales tungkol sa kanyang love life sa recent episode ng Mars Pa More.

Sa “TaranTanong” segment ng naturang programa, ipinalabas ang video ni Taste Buddies host Gil Cuerva at tinanong nito ang aktres: “Ikaw ba ang nag-first move sa ating dalawa? Yes or No.”

PHOTO COURTESY: Mars Pa More (show page)

“Yes,” sagot naman ni Lexi. Ayon sa kanya, nangyari raw ito noong naging guest siya sa Taste Buddies.

Aniya, “After noong guesting ko sa Taste Buddies, inaasar asar na nila kami no'n ng mga staff. So, minessage ko lang naman siya, nag-DM [direct message] ako sa kanya sa IG sabi ko, 'Ingat ka pag-uwi' gano'n.”

PHOTO COURTESY: Mars Pa More (show page)

Tumango naman si Lexi matapos siyang tanungin ni Mars host Iya Villania kung type na niya si Gil noong panahon na 'yon.

Kuwento pa ng Sparkle artist, “After no'n, magdamag kaming magka-chat after ko siyang i-chat ng 'ingat ka pag-uwi' gan'on. Nag-reply siya and then magka-chat kami magdamag until the next morning.”

Bago pa ito, tinanong muna ng hosts si Lexi kung ano ang update tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Gil.

“Slowly getting there,” sagot niya.

Noong November 2021, inamin ng dalawa na sila ay nasa “dating stage” na noong sila'y naging guests sa Mars Pa More.

“Well si Gil, really nice guy. Sobrang gentleman, parang ipa-feel talaga niya na you're important. 'Yung care ando'n,” sabi pa ni Lexi sa naturang episode.

Panoorin ang buong “Tarantanong” ni Lexi Gonzales sa Mars Pa More video sa ibaba.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na panoorin ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes sa GMA.

Samantala, silipin ang stunning looks ni Lexi Gonzales sa gallery na ito.