Celebrity Life

Yasmien Kurdi visits oldest beer factory in Japan

By EJ Chua

Sunod-sunod na vlogs ang ibinahagi ni Yasmien Kurdi kamakailan lang sa kanyang YouTube channel.

Ang vlogs na ito ay tungkol sa kanyang katatapos lang na bakasyon sa Japan kasama ang kanyang asawa na si Rey Soldevilla at kanilang anak na si Ayesha.

Sa latest vlog ng The Missing Husband lead star, mapapanood ang ilang clips habang nag-e-enjoy siya at ang kanyang pamilya sa isang museum.

Isang sikat na beer museum sa Japan ang kanilang pinuntahan.

Dito ay nagkaroon sila ng pagkakataon na matikman ang ilang inumin na talaga namang pumatok sa kanilang panlasa.

Ibinahagi naman ni Yasmien sa video na apple juice na mayroong kasamang cheese ang ininom ng kanyang anak na si Ayesha.

Kasunod ng pagbisita nila sa isang beer museum, nagpunta naman sila sa Sapporo Clock Tower.

Mapapanood din sa clips ang ilang sweet moments ni Yasmien at ng kanyang non-showbiz partner na si Rey.

Panoorin ang latest vlog ng Sparkle actress DITO:

Bago pa ito, isang vlog ang in-upload ni Yasmien sa YouTube kung saan mapapanood ang ilang clips tungkol sa pagbiyahe niya at ng kanyang pamilya papunta sa Niseko sa Hokkaido, Japan.

Napapanood si Yasmien bilang si Millie sa 2023 action suspense drama series na The Missing Husband.

Huwag palampasin ang mga tagpo sa nalalapit na pagtatapos ng The Missing Husband, mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: