Celebrity Life

EXCLUSIVE: Bea Binene, Kiko Estrada at Bianca Umali, nag-bonding bago maging busy sa 'Mulawin VS Ravena'

By AL KENDRICK NOGUERA

Sinamantala na ng ilang Mulawin VS Ravena stars ang bakasyon noong nakaraang linggo at sama-samang nagpunta sa beach sina Bianca Umali, Kiko Estrada at Bea Binene.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Bea, sinabi niyang ito na raw ang kanilang last hurrah dahil alam nilang magiging busy na sila sa upcoming Kapuso telefantasya. 

Ayon pa sa Kapuso actress, dapat daw ay kasama rin nila sina Miguel Tanfelix at Derrick Monasterio ngunit mayroon silang kanya-kanyang prior commitments. "Si Derrick, aalis na siya noon for Bali so hindi na siya nakasama. And si Miguel, may family commitment so kaming tatlo lang 'yung natuloy," paliwanag ni Bea.

Sa Instagram ni Kiko, nagbahagi siya ng isang video kasama sina Bea at Bianca na kuha sa kanilang beach getaway sa Subic, Zambales.


Kuwento ni Bea, natutuwa raw siya dahil lalong nagiging close sa isa't isa ang Mulawin VS Ravena cast members. "Pare-pareho kami ng sinasabi na sana bago mag-taping, mag-bonding na kami nang mag-bonding para focus na kami sa taping," pagtatapos niya.

MORE ON 'MULAWIN VS RAVENA' STARS:

WATCH: Bea Binene's revenge body is her answer to bashers who said she is fat

'Mulawin VS Ravena' star Miguel Tanfelix on Bianca Umali as the new Lawiswis: "Bagay, ang ganda niya"

LOOK: Pilot husband ni Yasmien Kurdi, pasahero ang ilang 'Mulawin VS Ravena' stars