Celebrity Life

WATCH: Mikael Daez and Megan Young take a sleeper bus from LA to San Francisco

By Marah Ruiz

Matapos mamasyal at bumisita sa ilang kaibigan sa Los Angeles, U.S.A., tumungo naman ang Kapuso stars na sina Mikael Daez at Megan Young sa San Francisco. 

Sa pamamagitan ng kanyang latest vlog, ibinahagi ni Mikael ang kanilang last day sa LA. Nagawa pang mag-swimming ni Mikael, magpunta sa isang coffee shop at maglakad-lakad sa Beverly Hills. 

Espesyal naman ang naging transportation nina Mikael at Megan para magbiyahe mula LA hanggang San Francisco dahil sinubukan nilang sumakay sa isang sleeper bus. 

Panoorin ang kanilang kakaibang adventure sa latest vlog ni Mikael.