Celebrity Life

WATCH: David Licauco, nahumaling sa Jomalig Island!

By Cara Emmeline Garcia

Ngayong summer, nagpahinga muna si kapuso hunk David Licauco kasama ang isang grupo ng joiners papunta sa Jomalig Island.

David Licauco

Sa grand opening ng isang spa, nakapanayam ng GMANetwork.com ang aktor para malaman ang mga favorite spots sa kaniyang kakaibang summer getaway.

Para kay David, natuwa siya sa sarap ng pagkaing natikman niya noong nag-boodle fight siya kasama ang joiners.

Aniya, “Ang sarap ng lobsters nila.

Honestly, parang iyon 'yung pinkafresh at pinakamasarap na lobsters na natikman ko.”

EXCLUSIVE: David Licauco on his Jomalig adventure, “I enjoyed it a lot”

At dahil tampok sa hidden paradise ang mga beach, anu-ano naman kaya ang tumatak sa isipan ng Kapuso hunk?

“Meron doon Golden Beach. I remember nung pumasok ako doon napaisip ako na, 'Wow! Ba't parang gold na ako?' Kapag nagse-selfie ako gold 'yung skin ko pati ako. And true naman Golden Beach nga.

“Its very chill and 'di pa siya masyadong kilala.

“Mayroon din dun Little Boracay na honestly and literally Little Boracay nga.

“Meron siyang shore na pagkita mo parang nasa Boracay ka with white sand on your feet and the perfect view.

“Lastly, meron din Kawayan Beach kung saan mayroong rock formations at sand bar.”

Panoorin ang summer adventure ni David Licauco at mahumaling din sa Jomalig sa video na ito:

LOOK: Netizens, pinangarap makasama si David Licauco matapos mapanood ang 'Summer Squad Goals'