Kasalukuyang nasa Boracay sina Mr. and Mrs. Alcasid para sa birthday celebration ng Asia's Songbird at para sa kanilang delayed honeymoon.
Dahil birthday ni Regine Velasquez-Alcasid, nagkaroon siya ng birthday celebration sa Boracay.
Hindi lang ito para sa birthday ni Regine dahil honeymoon rin nila ito ni Ogie Alcasid.
Real honeymoon (@ogiealcasid)
Ayon kay Ogie, hindi sila nagkaroon ng real honeymoon ni Regine kaya ito ay kanilang delayed honeymoon. Aniya, "Since we got married, we haven't really had a “real” honeymoon since wifey got pregnant straight away. This time, we have four days to celebrate her birthweek and and enjoy our delayed honeymoon. #tyLord for this."
Dahil hindi kasama nina Mr. and Mrs. Alcasid si Nate, ipinadala ng kanilang anak ang isa kanyang mga stuffed toys. Kuwento ni Regine, "So Nate gave us one of his Jollibee friends to bring here in Bora. Para daw we won't miss him too much at parang he's with us also. But we still miss you Boo and ate @leilalcasid."
May inihandang surprise romantic dinner date si Ogie para kay Regine.
May bulaklak sa dinner date look ni Mr. Alcasid.
Siyempre, meron din si Mrs. Alcasid.
Nasa bakasyon man sila, hindi pa rin mawawala ang kanilang pagmamahal sa musika.
Happy birthday, Regine!
Mas naging nakaka-relax ang kanilang bakasyon dahil sa spa treatment.
Na-enjoy ng mag-asawa ang kanilang private dinner sa Boracay.
Beach trip man ito ay fashionista pa rin ang Asia's Songbird dahil sa kanyang sapatos.
Nag-lunch ang mag-asawa sa tabing-dagat.
Swim time na nina Mr. and Mrs. Alcasid!
Kita sa mga photos na nag-enjoy si Regine sa kanilang honeymoon.
Umani ng papuri sa netizens si Regine sa kanyang sexy Boracay photo.
Blooming ang Asia's Songbird sa kanilang date night ni Ogie.
Kitang-kita sa mag-asawa ang kilig sa kanilang delayed honeymoon sa Boracay.