
Masayang nagbabakasyon ngayon ang celebrity couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas sa tinaguriang "City of Love," Paris sa Europe.
Sa kanilang Instagram stories ngayong Martes, November 8, ibinahagi ng dalawa ang video ng kanilang sweet moment sa harap ng Eiffel Tower. Sa naturang video, mapapanood na kinakantahan pa ni Mikee si Paul ng awiting "La Vie En Rose."
Sa hiwalay na Instagram stories, makikita na masayang sumakay ng isang fancy boat ang dalawa para sa kanilang lunch date.
Sa isa namang Instagram post, makikita ang masayang kulitan nina Mikee at Paul habang naglilibot sa Paris. Bukod sa pagtungo sa iba't ibang restaurants, binisita rin ng dalawa ang state-of-the-art Louvre Museum.
"We're in Paris," simpleng caption ni Paul.
Matatandaan na nauna nang magbakasyon si Mikee sa Amsterdam kamakailan kasama ang kanyang pamilya. Ngayon, magkasama na sina Mikee at Paul sa kanilang much-awaited Europe trip together.
Samantala, kasalukuyan ding napapanood ngayon sina Mikee at Paul sa GMA Primetime series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters.
SILIPIN ANG KILIG MOMENTS NINA MIKEE AT PAUL SA GALLERY NA ITO: