News

Allen Ansay, itinigil na ang panliligaw kay Sofia Pablo; may pakiusap sa kanilang fans

GMA Logo Sofia Pablo and Allen Ansay
PHOTO SOURCE: @itsmeallenansay

Photo Inside Page


Photos

Sofia Pablo and Allen Ansay



Nagsalita na sa wakas at inamin na ni Allen Ansay na hindi na siya nanliligaw kay Sofia Pablo.

Si Allen at Sofia ay nakilala bilang tambalang Team Jolly.

Inilahad ito ni Allen sa kanyang comment sa TikTok video kung saan sinasabing walang posts si Allen kasama ang ibang babae kundi si Sofia. Sa caption ng video, "Napaka green flag ni Allen kay Sofiaaa."

Samantala, naikumpara naman ang account ni Allen sa account ni Sofia na nakakasama lagi si Iñigo Jose na kaniyang fellow Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 housemate.

Sa trending video na ito, binigyang linaw ni Allen ang kanilang estado ni Sofia.

"Gusto ko lang pong linawin na okay po kami ni Sofia. Wala pong iniwan, nagpaasa, o nang-bale-wala sa kahit kanino. Para na rin po sa tamang impormasyon, matagal na pong hindi naipagpatuloy ang panliligaw ko kay Sofia noong March pa po."

Dugtong pa ni Allen, mananatili ang respeto nila sa isa't isa.

PHOTO SOURCE: @itsmeallenansay / TikTok


"Maayos po naming nirerespeto ang isa't isa, at nagbago lamang ang direksyon ng aming mga priorities lalo na po sa trabaho. Pinili lang po namin na hindi magsalita tungkol dito dahil personal naman po ito."

Hiling ng Kapuso actor at host na sana ay matigil ang mga maling balita tungkol kay Sofia. Nagpasalamat din si Allen sa patuloy na sumusuporta sa kanila.

"Sana po ay tigilan na natin ang pagpapakalat ng mga maling kuwento o false narratives tungkol kay Sofia. Wala po siyang ginawang masama. Sana ay patuloy ninyo kaming suportahan sa kani-kaniya naming journey. Maraming salamat po sa lahat ng patuloy na sumusuporta."

RELATED: Check out some of the sweetest photos of Team Jolly in this gallery


Sofia Pablo and Allen Ansay
Team Jolly
Happy pill
Kilig
Matchy
Squid Game
Ray of sunshine
Happiness
Yellow
Prom
Holding hands
Performance
Cake
Deserve
Adventure
Happy pill
Black and White
TOYCON
Promposal
First Date 
Preview Ball
Singapore trip
Travel
Wanderlust
Bench
The Sparkle Spell
Wakanda Forever
Luv Is: Caught in His Arms
Valentine's Day
In My Dreams

Around GMA

Around GMA

Sen. Chiz Escudero, inihalal na presiding officer sa impeachment trial ni VP Sara Duterte
Super Typhoon Bavi to enter PAR by Tuesday evening
PH improves in global passport index