Andrea Torres, Lianne Valentin, at Angela Alarcon, nakisaya sa Corrida De Cavalos de Calaca sa Batangas

Nakisaya ang Kapuso stars na sina Andrea Torres, Lianne Valentin, at Angela Alarcon sa naganap na Corrida de Cavalos de Calaca na ginanap noong Holy Wednesday, March 27, sa Calaca City, Batangas.
Ang Corrida de Cavalos de Calaca o Festival of the Horses, ay paraan para alalahanin ang pagpunta ng churchgoers mula sa iba't-ibang bayan ng Batangas, sakay ng kanilang mga kabayo, sa St. Raphael Archangel Parish sa Poblacion.
Dating kilala bilang Carrera de Paso at Corrida de Cavalos en Ciudad de Calaca, itong Katolikong tradisyon na ito ay isang paraan para ipakita ang faith at commitment ng isang deboto para ipagpatuloy ang nakagawian.
Tingnan kung paano mas pinasaya nina Andrea, Lianne, at Angela ang Corrida de Cavalos de Calaca sa gallery na ito:






