Angelica sa anak na si Carlos Yulo: 'Bukas ang aming pintuan sa tahanan, may pera ka o wala'

GMA Logo Angelica Yulo, Carlos Yulo
Courtesy: @c_edrielzxs (IG), adidasph (IG)

Photo Inside Page


Photos

Angelica Yulo, Carlos Yulo



Kasunod ng naging pahayag ng two-time gold medalist na si Carlos “Caloy” Yulo, naganap naman ang isang press conference, kung saan napanood ng marami ang naging pahayag ng ina ng una na si Angelica Yulo.

Nitong Miyerkules, August 7, emosyonal na binasa ni Angelica ang tinawag niyang “Liham ng isang ina” sa harap ng press.

Unang sinabi ng ina ng Filipino Olympian na ito na ang huling pahayag niya tungkol sa isyu ng kanilang pamilya.

Pahayag niya, “Ako po si Mrs. Angelica Yulo, ang nanay ni Carlos Yulo. Ako po ay narito para ipahayag ang aking huling pananalita hinggil sa girian ng aming pamilya... kasama ang kanyang gf na si Chloe San Jose

“Hindi ako perpektong ina at alam ng Diyos na hindi ka rin perpektong anak, at walang perpektong pamilya… Walang ibang hangad ang isang ina kundi ang ikabubuti ng kanyang anak at sa bawat miyembro ng pamilya,” dagdag pa ng ina ni Caloy.

Kasunod nito, nilinaw ni Angelica na malinis ang kanyang intensyon.

Sabi niya, “Sana'y maunawaan mo na ang intensyon ko ay malinis. Ako ay isang inang nasaktan dahil ang mabait na anak na pinalaki ko ng maayos ay hindi na nakikinig sa mga paggabay ng magulang.”

Nagbigay din ng pahayag si Angelica patungkol sa kasintahan ng kanyang anak, “Kung mali man ang naging pagpuna ko sa nobya mo, humihingi ako ng patawad dahil nanay lang ako na nag-aalala.

Ayon pa sa kanya, mananatiling bukas ang kanilang tahanan kung sakaling bumalik man si Caloy.

“Matanda ka na, kaya mo na magdesisyon para sa sarili mo. Bukas ang aming pintuan sa tahanan, may pera ka o wala, kung nanaisin mong bumalik sa amin,” pahayag niya.

Emosyonal ding humingi ng tawad si Angelica sa kanyang anak sa mga sambayanan sa mga nangyari at kanyang mga nasabi.

“Hindi na pwedeng bawiin ang nasabi… Humihingi ako ng tawad sa'yo at sa sambayanan sa mga nasabi ko sa interview.”

Inihayag din niya na pinanood niya ang mga laban ng kanyang anak na si Caloy.

Sabi niya, “Pagod at puyat ako sa kapapanood sa'yo ng mga panahon na iyon. Hindi makatulog sa tuwa kahit tapos na ang iyong laban…

Mensahe niya pa kay Caloy, “Patawad anak… Ako ay nagsasalita para ilagay na sa katahimikan ang isyu…”

Samantala, ang pangalan ni Carlos ang tila pinakamaingay ngayon sa bansa matapos niyang matagumpay na nasungkit ang dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.

Samantala, balikan ang naging journey ni Carlos Yulo tungo sa 2024 Paris Olympics sa gallery na ito:


Carlos Yulo
Childhood
Palarong Pambansa
Gymnastics career
Training
Japan
International competition
2020 Tokyo Olympics
2022
2023
New coach
2024 Paris Olympics

Around GMA

Around GMA

1 pulis, patay; 2 iba pa, sugatan sa engkuwentro laban sa armadong grupo sa Candelaria, Quezon
Ashley Rivera sizzles as the 2026 calendar girl of a local whisky brand
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras