Ashley Ortega introduces new character in film 'As If It's True' with Khalil Ramos

Magkakaroon ng bagong pelikula si Ashley Ortega kasama ang aktor na si Khalil Ramos.
Nagsimula nang mag-taping ang dalawang Sparkle artists para sa kanilang Cinemalaya movie na As If It's True noong May 19, na isinulat at sumasailalim sa direksyon ni John Rogers. Ang nasabing pelikula ay official finalist para sa Cinemalaya 2023.
"Opo, magkakaroon po kami ng Cinemalaya ni Khalil Ramos," pagkumpirma ni Ashley sa naganap na TikTok Live ng Hearts On Ice cast.
Sa As If It's True, makikilala si Ashley bilang Gemma Stone. Silipin ang ilan sa behind-the-scenes photos ng kanyang karakter sa gallery na ito.








