Atty. Annette Gozon-Valdes on 'It's Showtime': 'We are in the process of negotiations...'

Mainit ngayon ang bulung-bulungan sa showbiz industry tungkol sa diumano ay pag-takeover ng GMA produced show na TiktoClock sa slot ng Kapamilya noontime show na It's Showtime.
Nakatakda kasing magtapos ang kontrata ng nasabing show sa network sa darating na Disyembre ng taong kasalukuyan.
Upang wakasan ang mga ispekulasyon kaugnay ng issue na ito, nagbigay na nag pahayag si GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes kaugnay dito.
Ani Atty. Annette, "We are in the process of negotiations now for the renewal of Showtime."
Nagsimulang umere ang It's Showtime sa free-to-air channel ng GMA, ang GTV noong July 1 ng nakaraang taon. Ito ay matapos silang magpirmahan ng kontrata noong June 28.
Noong March 20, 2024, muling nagkaroon ng pirmahan ng kontrata sa pagitan ng GMA Network Inc. 'It's Showtime' para mapanood na rin sa GMA ang nasabing programa. Nagsimulang umere noong April 6, 2024.
Samantala, balikan sa gallery na ito naging contract signing ng It's Showtime at GMA noon:




















