Fast Talk with Boy Abunda
Awra Briguela, ikinuwento ang kaniyang gender transition journey

Isa ang actress-comedienne na si Awra Briguela sa mga celebrities na nagdesisyong sumailalim sa gender transition surgery.
Sa Fast Talk with Boy Abunda noong August 7, ibinahagi ni Awra na nagsimula na siyang mag-transition ngayong taon.
“What I mean by that po, this year nag-start po akong mag-consult sa endocrinologist, sa tamang pag-inom po ng hormones po and kasama din po 'yung physical transformation ko po, hindi lang po sa pag-transition ko into transgender woman po,” sabi ni Awra.
Alamin ang simula at kabuuan ng kaniyang plastic surgery journey sa gallery na ito:









