Bimby Aquino Yap, nais pumasok sa pulitika? 'It's a calling'

GMA Logo Bimby Aquino Yap political plans

Photo Inside Page


Photos

Bimby Aquino Yap political plans



Masayang ipinagdiriwang ni Bimby Aquino Yap ang kanyang pinakahihintay na 18th birthday!

Kamakailan lang, sinalubong ng young celebrity ang kanyang kaarawan sa piling ng pamilya at matatalik na kaibigan.

Ngayong opisyal na siyang nasa adulthood, ano kaya ang mga plano at pangarap ni Bimby?

Sa isang panayam kay Ogie Diaz, ibinahagi ng anak ni Kris Aquino ang kanyang matagal nang pangarap: ang pumasok sa mundo ng pulitika.

"It's a calling," ani Bimby "Destiny and a calling."

Buong puso namang sinusuportahan ni Kris Aquino ang ambisyon ng kanyang anak. Ayon sa Queen of All Media, "Gusto niya marunong siyang maki-deal sa lahat ng tao. Sobrang honest nito so hindi 'yan talaga magnanakaw at all and magaling mag-budget so maalagaan niya 'yung mga tao."

Ikinuwento rin ni Kris na ang kanyang bagong hiling para kay Bimby ay makitang maglingkod ito bilang isang mayor o opisyal sa gobyerno balang araw.

Dasal din nito sa kaarawan ng kanyang anak, "Kung gaano siya kabait ngayon, all the way until siya na 'yung may anak, sana umabot na may apo, ganyan pa rin kabait."

Dagdag pa niya, "Kasi hindi ko binubuhat 'yung bangko ko. But maganda talaga pagpapalaki sa kanya because it takes a village. I had so many people helping me. Marami siyang mga mentor. Until now na malaki na siya, tito at tita pa rin ang tawag niya."

Ngayon at 18 na rin si Bimby, bukas na rin si Kris pagdating sa lovelife ng kanyang anak. Sa katunayan, inamin ng TV star na mayroon na siyang napupusuang babae na bagay kay Bimby.

RELATED CONTENT: SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA LARAWAN NI BIMBY AQUINO SA GALLERY NA ITO:


Bimby
Child star
Bibo Kid
Growing
Big boy
6 foot tall
Looking mature
Supportive son
Travel and medication
Not a little
2022 vs. 2023

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection