Bimby, hindi naging kasundo ang ex-boyfriend ni Kris Aquino?

“Hindi sila nagkasundo, nu'ng ex.”
Iyan ang naging pahayag ng Queen of All Media na si Kris Aquino tungkol sa kaniyang ex-partner na si Mark Leviste at sa relasyon nito kay Bimby.
Sa vlog ng entertainment columnist at talent manager na si Ogie Diaz, inamin ni Kris Aquino na wala nang balikan na mangyayari sa pagitan nila ni Mark Leviste.
Sabi pa ni Kris, “Nagkalabuan na magmula November. Sinubukang ayusin pero may mga nalaman ako na hindi ko gusto.”
Sa vlog, sinabi rin ni Bimby na sinubukan niyang maging polite sa hindi niya pagsagot tungkol sa relationship ng kaniyang Mom. Ngunit ani Kris, “I know, I'm telling the truth.
“It matters to me because he (Bimby) knows me best and siya at si Kuya (Josh), 'yung opinion nila, really matters,” sabi ni Kris.
Alam din umano ng Queen of All Media ang sasabihin ng mga tao, na dapat ang mga anak ang susunod sa kanilang magulang. Ngunit aniya, alam rin niya na laging nandyan ang mga anak niya, at alam niyang pure ang pagmamahal ng mga ito para sa kaniya.
Inalala rin ni Kris Aquino ang sinabi ni Bimby sa kaniya noon, “Dati sinabi niya, 'Mama, I don't think you really love him, I think you're just sad.' Tumatak 'yun sa 'kin. Sabi ko, 'Yeah, it's true.'”
BALIKAN ANG MAKULAY NA LOVE LIFE NI KRIS AQUINO SA GALLERY NA ITO:
Paglilinaw ni Kris, sa tingin naman niya ay pareho nilang sinubukan na mag-work ang kanilang relationship ngunit alam din niyang tama ang sinabi ni Bimby. Sa ngayon, masasabi niyang friendly pa rin sila, “pero at a distance na.”
Pagpapatuloy pa ni Kris, kahit sumubok man si Mark na pumunta para manuyo ay “sarado na 'yung pinto.”
Paglilinaw ni Kris Aquino ay mahigit four months na silang walang communication at sa tingin niya ay kailangan na nilang mag-move on. Dagdag pa ni Kris, sa tingin niya ay nagawa na niya ito.
Nagbigay rin ng paalala si Kris sa mga nag-i-interview kay Mark na tigilan na ito at na huwag nang magtanong pa tungkol sa kaniya “kasi hindi naman niya alam kung kamusta na ako talaga.”
“Wala nang communication apart from 'Thank you, God bless,'” sabi niya.
RELATED CONTENT: Kilalanin ang bunsong anak ni Kris Aquino na si James Carlos Aquino Yap Jr., na mas kilala bilang Bimby:










