David Licauco, nagbigay kilig at tuwa sa mga taga-Pampanga

Hindi magkamayaw ang mga taga-Pampanga nang masilayan nila ang Pulang Araw at That Kind of Love star na si David Licauco noong bumisita ito sa SM City Pampanga.
Nagpunta ang Pambansang Ginoo sa naturang event para sa launch ng OPPO Reno12 Series 5G, ang smartphone na iniendorso ni David Licauco.
Tila nagmistulang "fans' day" ang launch event na iyon, dahil bukod sa jam-packed ang venue, hindi masukat ang kilig at saya na hatid ni David Licauco para sa mga dumalo, ang ilan sa kanila ay nanggaling pa sa southern part ng Metro Manila.
Para sa mga sumusubaybay sa mga kaganapan ng kanilang idolo, hindi antala ang layo ng naturang lugar. Kahit pa sa mga nakaraang events ni David Licauco, present at full force pa rin ang kanyang fans saan mang bahagi siya magpunta.
Narito ang ilang highlights mula sa event ni David Licauco:








