
Mala-kuwento raw sa isang nobela ang magiging takbo ng istorya ng mga karakter nina Barbie Forteza at David Licauco bilang sina Adelina at Hiroshi sa highly-anticipated series na Pulang Araw.
Sa panayam ng GMANetwork.com, ikinuwento ng dalawa ang magiging love story ng kanilang mga karakter na nabuhay sa panahon ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas.
“Ang love story ni Adelina at ni Hiroshi ay very much like, 'yung gusto mong mabasa sa nobela,” ani Barbie.
Kuwento pa niya, “'Yung gusto mong para siyang libro na gusto mong basahin tapos gusto mong tapusin sa isang upuan lang. Kasi gusto mong malaman agad kung magkakatuluyan ba sila, kasi parang laging ang daming hindrances, parang ang dami laging struggles, ayaw ng mundo na maging sila, so gusto mong tapusin yung libro na, 'Shocks gusto ko na maging sila kasi mahal na mahal nila yung isa't-isa.' 'Yung ganon.”
Paglalahad pa ni Barbie, mas nakilala niya ngayon si David matapos silang magkatrabaho sa Mano Po Legacy, Maria Clara at Ibarra, Maging Sino Ka Man, at pelikulang That Kind of Love.
“Si David naman sobrang na-appreciate ko sa kaniya na sinasabayan niya kung ano 'yung ginagawa ko. So kapag tahimik ako, tahimik din siya. 'Pag nararamdaman niya na nagpe-prepare ako, nagpe-prepare din siya with me, for me,” ani Barbie.
Ayon kay David, mas naging komportable rin siya ngayon sa kaniyang ka-love team na si Barbie at mas pinapagaan daw ng aktres ang kanilang trabaho.
Aniya, “I think it's easy, I've been working with her since Mano Po… kaya sobrang comfy na ako and like with all the things na we've been doing in the past year, of course magiging komportable kami sa isa't isa kaya, I'm just so happy na nakasama ko siya dito and she makes my you know like acting life so much easier.”
Kasama nina Barbie at David sa Pulang Araw ang kapwa Kapuso stars na sina Sanya Lopez at Alden Richards. Mapapanood din dito si Dennis Trillo sa kaniyang natatanging pagganap.
Mapapanood ang Pulang Araw sa GMA Prime sa July 29.
RELATED GALLERY: David Licauco and Barbie Forteza's looks that prove they're a match