Heart Evangelista sa pagkakaibigan nila ni Marian Rivera: 'I missed her'

Aminado ang global fashion and style icon na si Heart Evangelista na na-miss niya ang kapwa Kapuso actress na si Marian Rivera.
Sa pagpapatuloy ng panayam kay Heart ni Nelson Canlas sa "GMA Integrated News Interviews" para sa 24 Oras, nilinaw niyang wala naman sila naging problema ni Marian.
“I never had a problem with Marian. We never had a problem with each other. It was just the circumstances and the environment,” sabi niya.
Pagpapatuloy pa ni Heart, “I missed her. I love women that are very feisty and empowered, and si Marian, prangka siyang tao eh. Ako, soft lang ako. Siya strong. So, I'm always drawn to that.”
Huling nagkatrabaho sina Heart at Marian sa 2011 comedy film na Temptation Island kasama sina Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, at Solenn Heussaff. Ngunit simula noon ay hindi na sila muling nakita pa na magkasama na naging mitsa ng mga haka-haka na hindi maayos ang kanilang relasyon.
Ngunit Oktubre noong 2023, ikinatuwa ng fans ang pag-follow ng isa't isa sa Instagram. Sa isang interview ni Heart sa 24 Oras noong Nobyembre, sinabi niyang masaya siya na okay sila ng Kapuso Primetime Queen, at grateful sa effort ng Balota star na makipag-reconcile.
“Mas may iba na mas nakakasakit sa 'yo na talagang kailangan tanggalin ni Lord. Pero, may mga iba deserving. So, I'm very, very happy that Marian and I are okay,” sabi niya.
Disyembre naman noong nakaraang taon ng muling magkita nang personal sina Heart at Marian nang dumalo sila pareho sa ika-84 na kaarawan ng GMA Network's CEO na si Atty. Felipe L. Gozon.
Sabi ni Marian sa muli nilang pagkikita, “Catch up lang kami ng mga kwentuhan and happy ako na nagkita kami.”
At nito namang nakaraang GMA Gala 2024, nagkaroon ng kaunting bonding moment ang dalawa kung saan makikita sa isang video na nagkukuwentuhan sila at nagtatawanan.
Panoorin ang buong interview ni Heart dito:
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA MAGKAAWAY NOON NA NAGKABATI NA NGAYON SA GALLERY NA ITO:










































