Herlene Budol finally addresses controversy with Rob Gomez: 'Hindi ako naipagtanggol'

GMA Logo Herlene Budol and Rob Gomez

Photo Inside Page


Photos

Herlene Budol and Rob Gomez



Naka-move on na si Herlene Budol mula sa kontrobersiya nila ng dating co-actor na si Rob Gomez.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang private conversation nila ni Rob noong 2023.

Sa media conference ng bago niyang show na Binibining Marikit, hindi naiwasang matanong kay Herlene ang nasabing isyu, bagay na matapang niyang sinagot.

Ayon sa aktres, nagpatulong siya sa psychiatrist para ma-overcome ang mga negatibong komento sa kanya ng tao nang masangkot sa malisyosong kontrobersiya.

Aniya, "Ever since po na pumutok po 'yung issue na 'yon sa 'kin, sabi ko, 'ah okay,' kasi parang 'di naman po 'yun mawawala. Nagpadoktor na rin po ako para mas ma-process ko s'ya nang maayos na bakit may mga gano'ng klaseng tao na kailangan kang hilahin pababa kapag itinataas ka ng Panginoon?"

Aminado si Herlene na hindi naging madali ang kanyang mga pinagdaanan noong panahong iyon.

Patuloy niya, "Mabigat po 'yung paratang sa 'kin kaya...mahirap po 'yung naging sitwasyon ko n'on. Ang hirap po mag-move on sa gano'ng sitwasyon. Alam naman po ng Panginoon kung ano ang tama at mali."

Samantala, lumabas naman ang pagiging natural ni Herlene nang matanong kung mauulit ba ito sa kanyang bagong leading men sa Binibining Marikit na sina Tony Labrusca at Kevin Dasom.

Biro niya, "Wala nang kainang magaganap."

Nanindigan naman si Herlene na hindi siya ilalaglag ng kanyang present co-actors dahil mga maginoo ito.

Sabi niya, "Hindi maiiwasan na ma-in love sa kapartner kaya parang ayoko po magsalita nang tapos pero ayoko rin po maulit 'yung trauma na naibigay sa akin no'ng last co-actor ko, na parang ang bigat na parang 'di ako naipagtanggol, na walang boses na nagsalita. Pero dito po sa Binibining Marikit, nakikita ko na sa kanilang dalawa, with or without issue, ipagtatanggol po nila ako dahil sobrang gentleman po nilang tao at sobrang blessed po ako na sila 'yung kapartner ko."

Mapapanood ang bagong serye ni Herlene na Binibining Marikit mula Lunes hanggang Sabado, simula February 10, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, tingnan ang summer-ready body ni Herlene sa photo gallery na ito:


Herlene Budol
Black
On fire
Pink
Brown
One piece
Curves
Floral
Red
Hong Kong

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit