Fast Talk with Boy Abunda

Ian de Leon, ipinaliwanag kung para saan ang itinayong Nora Aunor Enterprise at Foundation

GMA Logo Ian de Leon
Source: Fast Talk with Boy Abunda

Photo Inside Page


Photos

Ian de Leon



Sa isang eksklusibong panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ng aktor at anak ng yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor na si Ian de Leon ang kasalukuyang kalagayan ng kanilang magkakapatid at inamin na mayroon silang hindi pagkakaunawaan ng mga ito.

Ayon kay Ian, normal lang sa isang pamilya ang dumaan sa mga pagkakataong may hindi pagkakaunawaan lalo na kung ang pamilya ay babad sa mata ng publiko.

Sinabi pa niyang hinahayaan niyang ang panahon ang maghilom sa kanilang magkakapatid.

“As far as I'm concerned kasi, in a family unit — unfortunately for us kasi we're, you know, public. Everyone knows what's happening. But people have to understand that family units have their own misunderstandings,” pahayag ni Ian.

“So para sa akin, it's only a matter of time. I would let time take its own course. You know, I don't want to force anything until it's the right time for things to be solved,” dagdag pa niya.

Sa naturang panayam din ipinaliwanag ni Ian na sa pamamagitan ng One-Person Corporation na kanyang itinatag upang pangasiwaan ang pamana ng kaniyang yumaong ina na si Nora, masosolusyunan ang legal na pamamahala sa dalawang magkaibang aspeto ng legasiya ng Superstar.

Una ay ang Nora Aunor Enterprise, na layuning mag-produce ng mga kumikitang proyekto tulad ng concerts, documentaries, musicals, at exhibits tungkol sa kaniyang buhay. Ikalawa naman ang Nora Aunor Foundation na magsisilbing non-profit.

Samantala, ibinahagi rin niya na ang bahagi ng kikitain ng enterprise ay mapupunta sa Nora Aunor Foundation.

“'Yung enterprise ay sa for profit entity, meaning to say we have plans of doing shows, concerts, documentary, exhibits, whatnot, musicals and stuff like that. That's why [I] established also the other entity, the Nora Aunor Foundation, so that 15% of the proceeds from the enterprise will go to the foundation,” paliwanag ni Ian.

Bagamat naging kontrobersyal ang pagtatatag ni Ian ng OPC matapos ihayag ng kaniyang kapatid na si Matet de Leon na wala silang kaalam-alam dito, nilinaw ng aktor na napag-usapan na ang planong ito noon pa.

“I wanted them involved,” sabi ni Ian.

Ayon kay Ian, unang tinalakay ang konsepto sa mismong ika-40 araw ng paggunita sa pagkamatay ni Nora sa Libingan ng mga Bayani, kung saan naroon ang kaniyang apat na kapatid at personal niya itong naipaalam sa lahat.

“This was still a concept during that time and I want them to be involved with the plans that I have, to continue mom's legacy and I think 'yung time na 'yun they weren't ready. It was still a concept. But I told them I would pursue this. I'm willing for everyone to be on board,” aniya.

“I told them. In fact, there was a meeting that was held sa Zoom where Matet was also there twice. She was aware,” dagdag pa niya.

Umaasa si Ian na sa kabila ng kanilang mga hidwaan, darating ang araw na magkakasundo rin silang magkakapatid upang magkakasamang itaguyod at protektahan ang legasiya ng kanilang inang si Nora.

“I would do whatever it is to uphold mom's legacy and to fulfill what her dream was while she was still around,” ani Ian.

“This is not for me, it's for mom. People have to understand, it's for her legacy, the continuation of her legacy because that's what we want eh,” dugtong niya.

Giit niya, hindi pansariling interes ang motibo ng proyekto kundi ang parangalan ang buhay ni Nora; ang kaniyang paglalakbay tungo sa pagiging isang Superstar at Pambansang Alagad ng Sining.

“Just because she passed away doesn't mean her legacy would end there. It's more on extending her inspiration from a little girl whose selling water and peanuts sa train station to becoming a superstar and ultimately a National Artist,” pahayag ni Ian.

“We want to uphold that. Siguro our opinions may differ but ultimately I can see in the future na you know we will all connive into one certain purpose,” pagpapatuloy niya.

Pinabulaanan ni Ian ang mga hinalang mana ang dahilan ng gulo sa kanilang pamilya, at ipinaliwanag na ang paghahati ng ari-arian ay isang legal na prosesong nangangailangan ng mahabang panahon.

“Just to make things clear, the mana issue. I just wanna set the record straight, things take time. It's not like your mother passes today, the next week may mana. Everything has to be dealt legally,” saad ni Ian.

“I'm no legal expert but I'm sure as heaven that I will have a crash course on legalities in order for this to have order and structure kasi one reason why I decided to pursue this is I don't want mom's name to be used freely, loosely by anyone who does things for their personal gain,” paliwanag niya.

Tinanong din si Ian kung makakaasa ba ng patas na hatian ang kaniyang mga kapatid sa maiiwang yaman ng kanilang ina, at ito ang kaniyang tiniyak: “Of course. Definitely. For me, I would do the things that just need to be done right now. It's hard kasi, Tito Boy, to focus on what's happening, all the discussion that's been thrown around, especially with what's happening with the siblings and all."

Sa halip na magpatangay sa mga isyu, binigyang-diin ng aktor na mas mahalagang pagtuunan ng pansin kung paano mapapanatili ang pamana ng kaniyang ina para sa susunod pang mga henerasyon.

“But I have to keep our focus on extending and doing what needs to be done in order to establish mom's legacy and to continue that for further generations,” sabi niya.


RELATED CONTENT: Mga anak ni Nora Aunor, emosyonal sa pag-alala sa Superstar


Nora Aunor
Lessons
Memories
Grandma
Jokes
Love
Health
Last conversation
Kenneth de Leon
Kiko de Leon
Message
Lecture

Around GMA

Around GMA

BTS leader RM named National Museum of Korea's first-ever global ambassador
What Philippine law says about adopted children and inheritances
The Father Who Never Leaves