IN PHOTOS: Andrea Torres and Kylie Padilla's sweet moments

Nitong nakalipas na mga linggo, naging maingay ang pangalan nina Andrea Torres at Kylie Padilla sa social media.
Bukod sa kani-kanilang programa na mapanonood sa GMA--si Andrea sa 'Legal Wives' sa GMA Telebabad at si Kylie sa re-run ng 'The Good Daughter' sa GMA AFternoon Prime--usap-usapan din ang pagsasama nilang dalawa sa isang proyekto.
Hindi tulad ng mga nakaraang proyekto nila, marami sa kanilang mga tagahanga ang nakapansin sa kakaibang tema ng proyekto nilang ito dahil sa mga eksenang ibinabahagi ng dalawa--tulad na lamang ng kissing scenes, bed scenes, pagyakap sa isa't isa, at ang tawagan nilang 'babe.'
Kapwa bago rin para kina Kylie at Andrea ang proyektong ito dahil gaganap silang magkarelasyon.
Tingnan ang ilan sa mga kuha nina Andrea Torres at Kylie Padilla sa proyektong ito:

























