GMA Logo kylie padilla
What's Hot

Kylie Padilla shares bathtub photo: "Would you come with me?"

By Aimee Anoc
Published July 27, 2021 10:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

kylie padilla


Mapang-akit ang post ni Kylie Padilla na kuha habang nakahiga sa bathtub.

Matapos ang pag-tease ni Kylie Padilla sa kanyang fans sa pamamagitan ng Instagram posts.

Sa kanyang pinakahuling post, mapang-akit ang tingin ng aktres habang nakahiga sa bathtub.

Nilagyan pa niya ito ng caption na, "Would you come with me?"

Ang larawan ay tila kuha mula sa shooting ng bagong proyektong ginagawa niya kasama ang kapwa Kapuso actress na si Andrea Torres.

Kasama rin sa caption ang pangalan ng karakter ng kanyang gagampanan na si Beth at ang hashtag para sa tambalan nila ni Andrea na #BETCIN.

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon ng mahigit 121,000 likes at 700 comments ang post na ito ni Kylie.

Hindi naman napigilang mag-comment ni Mikee Quintos at ipinaabot ang kanyang paghanga sa aktres, "Crushing on your posts lately hay imy."

INSET: combine kylie padilla 1 and 2

Una nang ipinaalam ni Kylie ang bagong proyekto niya sa ilalim ng Rein Entertainment noong July 19 sa Instagram, kung saan makikita siyang nakaupo sa itaas ng 4x4 na sasakyan.

Ikinagulat din ng netizens kissing scene nina Kylie at Andrea; ang Tiktok "Breakfast challenge" kung saan tinawag na babe ni Andrea si Kylie; ang pagyakap ni Kylie kay Andrea, at ang sexy TikTok video kung saan makikitang sabay na sumasayaw ang dalawa.

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

Samantala, muling mapapanood si Kylie sa The Good Daughter na magsisimula na ngayong araw, July 27, 4:15 p.m sa GMA Afternoon Prime.