Jillian Ward, mapapanood bilang Dra Analyn sa 'Royal Blood' ngayong Lunes

Mapapanood na ngayong Lunes (September 11) sa hit murder mystery series na Royal Blood ang Star of the New Gen na si Jillian Ward.
Magkakaroon ng cameo si Jillian sa Royal Blood bilang ang genius neurosurgeon na si Dra. Analyn, ang karakter na pinagbibidahan nito mula sa hit Afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa teaser na inilabas ng Royal Blood ngayong Lunes, maririnig ang boses ng isang doktora sa paggising ni Lizzy (Sienna Stevens) sa ospital. Matatandaan na nagkaroon ng car accident sina Beatrice (Lianne Valentin) at Lizzy matapos na mawalan ng preno ang kotse ng una.
Narito ang ilang pasilip sa guest appearance ni Jillian Ward sa Royal Blood ngayong Lunes:




