Fast Talk with Boy Abunda
Jo Berry, masaya ang puso na naka-inspire siya ng iba pang little people

Isa si Jo Berry sa mga aktor na pinaka hinahangaan ngayon dahil sa kaniyang galing sa pag-arte sa mga roles na ginagampanan at sa pagiging inspirasyon niya sa kapwa niyang little people at iba pang differently-abled people.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, April 14, kasama si Sienna Stevens, kinumusta ni King of Talk Boy Abunda ang pakiramdam ni Jo na itinuturing siya bilang inspirasyon.
Alamin kung ano ang kwento ni Jo Berry sa gallery na ito:









