Joross Gamboa, nagalit ba nang sabihan ni Tito Boy na para siyang 'iced tea na walang ice?'

Naalala n'yo ba ang obserbasyon ng “King of Talk” na si Boy Abunda nang minsan naging judge siya ng isang talent search competition 19 years ago at contestant noon ang 'The Missing Husband star na si Joross Gamboa?
Isa ito sa mga tinalakay sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ngayong Lunes (September 11) kung saan special guest ang versatile TV-movie actor. Isa rin sa mga tinalakay ay ang buhay pamilya ngayon ni Joross. Kasal ang aktor kay Kathy Saga at may dalawa silang anak.
Sa isang bahagi ng panayam, sinabi ni Tito Boy ang isang quality na napansin niya noon sa kaniyang guest.
Sabi niya, “Joross pasaway ka, pero nangangatwiran ka ng maayos. Kahit kailan, ako personal, hindi ko naramdaman nambabastos ka.
“Sutil ng konti, pero, but you are always pleasant and funny. And magalang.”
Balikan ang one-on-one chat ni Joross Gamboa kasama ang multi-awarded TV host sa gallery na ito.
Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.









