GMA Logo Jean Garcia
Source: davidlicauco (Instagram)
What's on TV

Jean Garcia, nagkomento sa acting ni David Licauco sa 'Maging Sino Ka Man'

By Jimboy Napoles
Published September 7, 2023 8:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

Jean Garcia


Ano kaya ang masasabi ni Jean Garcia sa performance ni David Licauco sa Maging Sino Ka Man?

Sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ng batikang aktres na si Jean Garcia ang kanyang naging experience nang makatrabaho ang isa sa hottest Kapuso love team ngayon na sina Barbie Forteza at David Licauco sa kanilang bagong serye na Maging Sino Ka Man.

Sa panayam ni Boy Abunda kay Jean, puring-puri ng aktres ang dalawa lalo na ang tinaguriang Pambansang Ginoo na si David.

Kuwento ni Jean, “Napakagagaling. Acting wise, si Barbie, maliit pa lang, magaling na. Si David, nagte-training siya, very masipag, very hardworking.”

Ayon kay Jean, talagang pinaghirapan ni David ang kanyang role sa nasabing serye.

Aniya, "Kung meron man kunwari sa acting, may pagkukulang siya, nagte-training siya, 'yung action scenes niya, nag-train siya.”

Natuwa pa ang batikang aktres dahil sa willingness ni David na matuto pa sa kanyang trabaho bilang aktor.

“So medyo pagod si David talaga at willing siyang matuto at 'yun ang nakakatuwa sa mga bata,” ani Jean.

Si Jean ang gaganap bilang ina ni Monique (Barbie Forteza) sa naturang serye, at excited na raw umano ang aktres na mapanood na ng publiko ang kanilang pinaghirapang proyekto.

Mapapanood na ang Maging Sino Ka Man simula sa Lunes, September 11, pagkatapos ng 24 Oras.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.